Sunday 10 February 2013

Misteryosong Buhay

Misteryosong Buhay


May mga bagay sa mundong sadyang kay hirap abutin
Mga pagsubok sa buhay na talagang kayhirap harapin
Maliit man o malaking problemang dapat nating pasanin
At mga tanong sa'ting isipan na napakahirap sagutin

Araw-araw ay dapat tayong gumawa ng desisyon
Nang ang payak na buhay nati'y magkarun man lang ng direksyon 
Dahil hindi natin alam kung saan patungo iyon 
Parang isang misteryong nasa loob ng itim na kahon

Tandaan natin na ang buhay ay wala sa ating kamay
Maging ang bukas o oras at kahit ang maliliit na bagay
Kahit ang puso't isapa'y hindi magkaugnay
Ngunit bakit sa desisyon kailangan nilang magsabay 

O ang buhay nga naman ay isang malaking misteryo 
Baka nga bukas makalawa, wala na tayo sa mundo
Handa ka na ba o di naman kaya sigurado? 
Yan ang tanong sa'ting lahat, bawal dito ang pilosopo

No comments:

Post a Comment